Reflections
Leave a Comment

What I did on the last day of the most surreal year (so far)

  • Nagising nang maaga dahil malakas mag-cellphone ang nanay ko kahit akala niya tahimik lang siya;
  • Naghiwa-hiwalay ng dikit-dikit na lumpia wrapper (my most significant contribution in the kitchen);
  • Nakinig ng daily devotion ng Victory (Psalm 120 ang topic);
  • Nagkape at naghanap ng vintage Coach bags online;
  • Nag-brunch ng lumpiang shanghai, kasabay ang buong pamilya;
  • Naghanap ng yellow dress para umawra ng Color of the Year sa gabi pero walang nakita, kaya nag-ayos na lang ng damitan (muntik na ako maiyak at the sight of my travel/seasonal clothes na parang mga Cebu Pacific tickets lang din–hindi nagamit);
  • Nag-pass sa playground trip with Nami para makapag-me time;
  • Nag-shower at nakaisip ng Word of the Year for 2021 habang naliligo (may scientific basis why we get our best ideas in the shower);
  • Nag-prepare para mag-journal sa kwarto ko pero naunahan na naman ako doon ng tatay ko na seryosong nanonood ng lumang tennis match sa YouTube kahit alam niya naman sino ang nanalo (ganyan din siya sa boxing);
  • Naghanap na lang ulit ng vintage bags sa US (wala pa ring nabibili kasi mahal pala ang mga hanep na iyon);
  • Nagkape ulit, this time with otap and the sisters;
  • Nakipaglaro kay Nami na naisipang ikalat lahat ng toys at shoes niya sa sahig (mabuti na lang tumulong mag-clean up);
  • Nag-early dinner ng masarap na ginisang sayote (special thanks to our angels na walang-sawang nagluluto at naglilinis para makapagtrabaho kami sa bahay nang maayos);
  • Nag-review ng mga faith goals/prayer lists for the year at nag-check ng mga natupad, pero…
  • Naisip na ang 2020 ay isang kakaibang panahon at ang buhay ay hindi lang tungkol sa pag-check ng mga naganap o na-accomplish;
  • Naalala na ang importanteng i-check ay kung naging mabuting tao ka ba ngayon, sa gitna ng kaguluhan, kalungkutan at kahirapan;
  • Nagpasalamat sa Diyos dahil Siya ay mabuti kahit ano pa mang ginawa sa atin ng 2020;
  • Nagsulat nito: bulleted na lang kasi nakakatamad na mag-essay;
  • Napaisip kung tama ba ang gamit ko ng “nang” at “ng” at binasa ang sabi ni Virgilio Almario, according to Google;
  • Matutulog na muna at magdadasal na sana ay magising kami lahat bukas (mamaya) para sa bagong taon na bagama’t walang dalang pangako ay may taglay na pag-asa. Laban ulit sa 2021 (pero huwag naman masyado, please).

Salamat uli, Lord. Kami ay nagpupuri.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s