What I did on the last day of the most surreal year (so far)
Nagising nang maaga dahil malakas mag-cellphone ang nanay ko kahit akala niya tahimik lang siya; Naghiwa-hiwalay ng dikit-dikit na lumpia wrapper (my most significant contribution in the kitchen); Nakinig ng daily devotion ng Victory (Psalm 120 ang topic); Nagkape at naghanap ng vintage Coach bags online; Nag-brunch ng lumpiang shanghai, kasabay ang buong pamilya; Naghanap ng yellow dress para umawra ng Color of the Year sa gabi pero walang nakita, kaya nag-ayos na lang ng damitan (muntik na ako maiyak at the sight of my travel/seasonal clothes na parang mga Cebu Pacific tickets lang din–hindi nagamit); Nag-pass sa playground trip with Nami para makapag-me time; Nag-shower at nakaisip ng Word of the Year for 2021 habang naliligo (may scientific basis why we get our best ideas in the shower); Nag-prepare para mag-journal sa kwarto ko pero naunahan na naman ako doon ng tatay ko na seryosong nanonood ng lumang tennis match sa YouTube kahit alam niya naman sino ang nanalo (ganyan din siya sa boxing); Naghanap na lang ulit ng vintage bags sa US (wala …